PictureMga Ainu
Ang salitang Japan ay nagsimula sa Nippon na may kahulugang Estado Ng Hapon. Ang mga ainu ang lihitimong sinaunang tao sa Japan na nagmula sa Hokkaido at iba pang hilagang bahagi ng bansa. Ayon sa tradisyon ng Hapones, si Jimmu ang naging unng emperador ng Japan. Nang simulang mag-away ng mga liping Hapones, ang nagtagumpay na lipi ang siyang namuno sa estado.

Ang mga Ainu ang unang nanirahan sa bansang Japan. Ang salitang Ainu ay nangangahulugang "tao" Sa Pagdaraan ng panahon, ang pangat na ito ay nahaluan ng mga pangkat na nagmula sa ibang bahagi ng asya. sa Kasalukuyan, ang mga Hapines ay binuo ng pinaghalong lahi ng mga Mongol, Tsino, Malay at Ainu.

Ayon sa mga mananalaysay, ang bansa ay binuo lamang ng mga angkan na namamahala sa kani-kanilang teritoryo. Sa pagdaraan ng panahon, ang magkaibang tradisyong ito ay kanilang pinagsanib sa isang relihiyon na tinawag nilang Shinto, na ang kahulugan ay "ang daan ng diyos". Ang reliiyong Shinto ay nakabatay sa paggalang sa kalikasan at pagsamba sa mga ninuno. Si Kami ang pinaniniwalaan
nilang diyos ng kalikasan.

Mount Fuji

Picture
Ang Bundok Fuji ay ang pinakamataas na bundok sa Hapon. Kasama ng Bundok Tate at Bundok Haku, ito ay isa sa  "Tatlong Banal na Bundok" ng Hapon Isang aktibong stratovolcano na huling pumutok noong mga tong 1707 hanggang 1708, ang undok Fuji ay nasa kanluran lang ng Tokyo at maaaring makita sa isang maaliwalas na araw. Ang kilalang simetrikong kono ng Bundok Fuji ay isang kilalang simbolo ng Hapon at kadalasang naipapakita sa mga larawan at kuha at pati na rin ang Bundok ay binibista ng mga turista

Ang Imperyong Yamato

Picture
       Si Jimmu. Siya ang nagtatag ng Imperyong Yamato at siya rin ang naging unang Emperador ng Japan. Tinawag na Tenno na ang kahulugan ay "Anak ng Kalangitan" (Son of Heaven).


      Sa katotohanan, hindi pinagasiwaan ng mga unang Emperador ang kabuang bansa. Bukod pa rito, hindi naging makapangyarihan ang mga emperador na Yamato bagama't hindi sila kailanman inalisan ng kapangyarihan ng mga Hapones.


Ang kaisipang Devaraja

PictureJayavarman II, ang nagtatag ng Imperyong Khmer.
Ang Devaraja ay isang Kulto na itinatag ni Jayavarman II. Ipinarangal ng kultong Devaraja na ang hari ay manipestasyon ng diyos na si shiva.Bunsod ng nalinag na kaisipang ito, ang mga haring Khmer ay kinilala bilang mga "God King", na nagtataglay ng malaharing kapangyarihan.


Teorya ng Divine Origin

Picture
     Naniniwala ang mga Hapones na ang kanilang emperador ay natatangi at hindi karaniwan kung ihahambing sa mga pinuno ng ibang bansa. Mahalaga ang ginampanana ng teorya ng divine origin sa gawi at kaparaanang tinahak ng mga Hapones sa paglilinang ng kabihasnan sa kanilang bansa.

    Ang paniniwalang ito ang bumuo sa isipan ng mga Hapones na ang kanilang emperador ay mayroong dakilang kapangyarihang namuno. Bunga nito, natimo sa kanilang isipan na sila at kanilang bansa ang pinakasuperyor sa buong daigdig.

    Ayon sa manunulat ng kasaysayan, an Teorya ng Divine Origin ang maaaring naging gabay ng mga Hapones sa kanilang pag-aakalang sila ang tanging tagapagtanggol ng mga bansa sa Asya. Ito rin marahil ang nag-udyok sa mga Hapones na tangkaing sakupin at pamunuan ang buong kontinente ng Asya sa ilalim ng programang Greater East Asia Coprosperity Sphere. 

    Sa kabila ng mga pangyayaring naganap sa Asya na pinaniniwalaang ibinunga ng kaisipang teorya ng Divine Origin. May mga positibong ibinuga rin ito. Ito ang naglinang ng kinikinila at hinahangaang pag-uugali sa paggawa ng mga Hapones na isa sa pinakamahalagang salik na nagpaunlad sa bansa.


Ang Japan sa Panahong Nara

PicturePrince Shotoku


Nara ang unang kabisera ng Japan. Nagsimulang magkaroon ng kaalaman sa kalakhang Asya ang mga Hapones noong 405 BCE. Ang Relihiyong Buddhism ang isa sa pinakamahalagang impluwensya ng Koreano sa Hapones. Ito ay malugod na tinanggap ng Japanese Imperial Court.

PictureWani- Iskolar na Confucian


Sinubukan ni Prince Shotoku na gawing sentralisado ang Japan ngunit di siya nagtagumpay. Noong 794 BCE ang kabisera ng Japan ay inilipat sa Heian. Sa lipunang ito, ang bawat aspekto sa buhay ay may sinusunod na alituntunin mula sa ayos ng buhok, haba ng damit, hanggang sa bilang ng paldang kailangan isuot. Kilala sa panahong ito sina lady marusaki shikibu, ang sumulat ng kauna-unahang nobela sa daigdig ang "The tale of Genji, the shining Prince and his romances",

Sei Shonagon, ang nagsulat ng ilang paglalarawan sa buhay na kilalang "The Pillow Book". Ang panahong ito ng Japan ay tinaguriang "Ginintuang Panahon ng Japan.




Picture
Sei Shonagon
PictureLady marusaki shikibu







Ang Pamilyang Fuijiwara ang tunay na naging makapangyarihan sa panahong ito. Ngunit ito ay hinamon ng mga naging landlord. Bunga ng labis na kawilihan sa marangyang buhay. Napabayaan ng Fuijiwara ang pangangasiwa ng pamahalaan.